ANO ANG ORGANIKONG PAGSASAKA




Ang Organikong Pagsasaka ay isang termino para sa natural na pamamaraan ng pagsasaka. Ito ay uri ng pagsasaka na tumutulong sa ating kalikasan at kapaligiran sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga ng LUPA na sentro at pinakamahalagang bahagi sa organikong pagsasaka. Ito ay nakatuon sa prinsipyo na "farming in harmony with nature". 


Sa pagsasagawa ng Organikong Pagsasaka maaari nating isaalang-alang ang dalawang bagay; Ito ay ang paggamit ng organikong pataba, at ang tamang pamamaraan sa pagkontrol ng mga peste.


Pamamaraan sa Pagkontrol ng mga Peste

Sa tamang pamamaraan ng pagkontrol ng mga peste, layunin natin na maiwasan ang pagbaba ng ating mga ani dahil sa pagsalakay ng mga peste sa ating mga lupang sakahan sa panahon ng pagsasaka.

Karamihan ng mga magsasaka ngayon, ay gumagamit ng mga pestisidyo sa pagpuksa ng mga peste. Hindi nalalaman ng karamihan, na ang ilan sa mga peste ay nakakatulong sa bukid. 

Subalit dahil sa maling pamamaraan na paggamit ng pestisidyo sa bukid ay nasisira ang balanse ng kalikasan na nagdudulot ng malaking kapinsalaan sa mga ani. Ang mga pestisidyo ay nakapagdudulot rin ng hindi magandang epekto sa ating mga kalusugan.

Samantala, ang tamang pagkontrol sa mga peste ay isang natural na pamamaraan na nakatutulong sa pagpapanatili ng balanse ng kalikasan. Kailangan kasi nating matutunan muna kung ano-ano ang mga peste na nakatutulong at nakakapinsala sa ating mga bukid. Sa ganitong pamamaraan, malalaman natin kung paano sila susugpuin. 

Ang ilan sa tamang pamamaraan ng pagkontrol sa peste ay kultural na pagkontrol o sabay-sabay na pagtatanim. Ang iba naman ay nagtatanim ng mga halaman na may resistensiya sa mga peste. 

Ang iba ay nagtatanim ng ibang halaman bukod sa palay (Crop Rotation) upang guluhin ang Life Cycle ng mga peste.


Ang Paggamit ng Organikong Pataba

Sa paggamit ng organikong pataba, layunin natin na pataasin ang organikong sangkap na nasa lupa o organic matter. Ito ay napakahalaga sapagkat ito ang susi sa pagkakaroon ng malulusog at magagandang pananim at mga hayupan.

Sa panahon ngayon, halos lahat ng mga magsasaka ay gumagamit ng mga inorganikong mga pataba o mga patabang may halong kemikal. Lingid sa kaalaman ng marami, ito ang nagiging dahilan ng lalong pagkasira ng ating mga lupang sakahan. 

Ang mga inorganikong pataba ay lumalason din sa hangin at sa tubig. Sa mahabang panahon na paggamit ng mga inorganikong pataba, ang mga sangkap na nasa lupa o organic matter ay hindi na napapalitan at ang lupa ay nagiging tuyo, walang hangin at hindi na nakapagbibigay ng magandang produksyon.

Samantala, kung tayo ay gagamit ng mga organikong pataba ay mapapalitan natin ang mga sangkap na nasa lupa o organic matter at mapapanatili nating malusog ang lupa gayundin ang halaman. 

Ang organikong pataba ay ang pinagsama-samang mga nabubulok na bagay, katulad ng dumi ng hayop o halaman at pinabulok sa mahabang panahon upang gawing pataba sa lupa. Ito ay walang halong kemikal at hindi nakakasama sa kapaligiran.

Isa sa mga organikong sangkap na maaari ninyong gamitin sa inyong pagsasaka ay ang organic soil conditioner. Ito ay tumutulong upang ibalik ang dating magandang kalidad ng lupa para sa mas masaganang ani at mas ligtas na pagkain. Mayroon na akong unang post patungkol dito.

Read the Post about Organic Soil Conditioner here...

Your Friend,

Caroline Astillero

7 comments:

  1. Hello Caroline. Pwede bang malaman ang kontak number mo para matawagan kita at makausap dahil ako rin ay interesado sa pag susulong ng organikong pagtatanim. - Bong Villareal

    ReplyDelete
  2. ang khp po ba pwede ipataba sa palay kahit na walang halong kemikal na abono at papano gamitin po ang khp na pataba.

    ReplyDelete
  3. Sa paggamit ng teknolohiya sa organikong pamamaraan may masama bang epekto nito?

    ReplyDelete
  4. Ano ang mga mapinsalang epekto ng kalikasan

    ReplyDelete
  5. Ano po ba ang advantage at disadvantagr sa oraganikong pag sasaka

    ReplyDelete
  6. happy birthday po god bless you all take care of yourself as I well be know how you are doing this great thing for your family and I hope to see you at the next event in May the future May and I hope you bye

    ReplyDelete
  7. pre and I hope to be see you again next time year in and around I am will be you and the rest world is in the my heart best friends friend of mine that and I you are going to be in love and love love you 85 9 9 you are the only 8 8 that I have never seen and in the love with and you

    ReplyDelete

SIMILAR POSTS YOU MAY ALSO BE INTERESTED IN: